wappaakk
this composition was published in the newsletter of the UP CELLS.
Lumang Linya
by Bittersweet
"Sorry. Hindi pa ako ready sa commitment."
kalokohan. bakit hindi mo na lang kaya sabihin kung ano ba talaga ang iyong tunay na nararamdaman. pwede mo namang sabihin ayaw mo talaga sa akin. o kung hindi naman kaya aminin mo na sa akin na mahal mo ako. hindi yung ganito. ginagawa mo akong maghuhula. wala akong kapangyarihan para pumasok diyan sa utak o puso mo para alamin kung ano ba talaga ang iniisip at nararamdaman mo.
duwag ka. bakit hindi ka nalang kasi magsalita? walang excuse sa pagiging torpe. takot ka ba sa aking isasagot kung sakaling ika’y magtanong? eh bakit kaya hindi mo subukan? hindi ganyan. para kang may sariling mundo. minsan ok tayo. nagbibiruan. nagtatawanan. minsan naman parang may nakakahawa akong sakit na pilit mong iniiwasan. ano ba talaga?!
nakakasawa. parang isang patalastas na laging pinapalabas pagkatapos ng isang yugto ng isang soap opera. matagal na akong naghihintay pero wala paring nangyayari. hindi naman siguro kaila sa’yo na gusto din kita. Maliban na lang kung manhid ka. hindi ako magtyatyagang samahan kang maglakad sa ulan para pumunta kung saan o di naman kaya eh tumawa sa mga napacorny mong jokes kung ayaw ko sa’yo diba?
ayoko na. masakit ang umasa sa isang bagay na walang kasiguruhan. pero mas masakit maghintay sa isang bagay na alam mo namang hindi na talaga darating pa. tama na. wala narin namang saysay. hindi ka ready sa commitment? pwes, hindi rin ako tanga.
ayoko sa mga lumang linya, pero anong magagawa ko… mahal kita…
mga simpleng panama… bullseye ung second paragraph… hey!? when did people start reading the fine print? anyway.. this would be the 5th day where i would sleep early. early in the sense that its past 3am and im still awake… this is all because of one addiction… DOTA. a sure way to eat up your money and the time you spend thinking of her.
… im babbling…
October 15th, 2006 at 9:00 pm
Hay nakow niko… natutuwa ako. parehas ata tayo nang naging karanasan. at hindi lang yun, pati ang paglalagay ng mga nararamdaman sa small fonts sa blog, parehas din. at parehas din tayo ng adiksyon. hinay hinay lang ha… basta, wag maapektuhan ang acads!
October 15th, 2006 at 10:26 pm
Yep, tama, hinayhinay laang friend..both sa DOTA at Pag-Ibig-matters…char! The Boko is now a Coconut Tree, umiibig na…or I just missed that part of you noong andyan pa ako? Perhaps so…Miss you guys…remember to always update those fine prints sa blog…sureness, I’ll be straining my eyes for them…
October 16th, 2006 at 1:29 am
Hooooooo! niko! i’m so0o0o0 surprised! nakanamf! mukang lakas ng tama mo ah!
October 16th, 2006 at 4:09 am
Ahahha. yun lang ang masasabi ko….i HAD to copy the fine prints and enlarge them sa word. ^^,
October 17th, 2006 at 1:15 am
hmm..
October 17th, 2006 at 1:50 am
ehehe.. when did people start reading fine print?! hmmm
pero thanks for the concern umm…
October 17th, 2006 at 8:21 am
huwaaw.. parang the feeling is there ah.. may angst ba.. hehe.. eto lng mssbi ko: okay lang mag-hintay, pero wag lng sobrang tagal xe sa pagtagal ng panahon, nag-dedecay ang mga bagay.. remember half-life? i-konek mo na lang dito.. hehe..
October 17th, 2006 at 9:01 pm
waw naman half-life.. omg chem yan.. hehe. wala na din naman un. ^____^”
teka bakit ang dami nagko-comment sa kadramahan na toh?? bihira lang yan.. dahil sa puyat wahehe
November 29th, 2006 at 4:35 pm
uuy c niko, my hnhntay. nyahahaha!